Monday, March 16, 2020

100 Tula Para Kay Thera


Minsan dumarating
isang yugto sa buhay naten
hindi mo na alam 
kung ano ang iyong hinahanap; 😩❓
Pero may mga pagkakataon, 
nagpapa-alala 💡 sa atin,
gumigising ⏰ sa ating pananabik,
nagpapa-alab sa ating tila naghihingalo nang apoy🔥,
pumupukaw sa natutulog 😴 nating balintataw--
isang masarap 😋 na gunita na natikman sa nakaraan...



Ito ay alay ko sa'yo, aking Thera 💆‍♂,

'Di ko alam pa'no basahin 📖,
isang walang kuwentang katha
'di man umabot sa isandaang 💯 tula..
Sa isang ganap, ang nakaraan at ngayon
ay nagsalin at naging buo ☯
naging sigliwa ng aking pagtatangi 💗..



Medyo matagal-tagal na rin

ng matikman ko ang matamis mong mga haplos. 👐
Ikaw, ikaw ang unang nagpalasap
Sa di-na-bubot kong katawang lupa
Ng di maipaliwanag na sarap 😋..
Ikaw, ikaw and nagmulat 👀 sa akin 
Sa mundo 🌎 ng senswalidad.
Ngayon, napagtanto kong
Nasabik ako sa mapagpala mong mga kamay 🤲,
Nabatid kong ikaw,
Ikaw ang nag-iisang hari 👑, 🌞
Ikaw ang pinakamagaling.
Walang dudang ikaw ang nangunguna 🥇
sa lahat ng aking nasubokan
at naranasan..
Ang katawan ko ay animo luwad 
At ikaw ang maestrong tagahulma.
Naging parang manyika 🎎 ako
Na binaluktot ➰ mo na parang eskultura.
Hindi ko inakala na ang aking katawan 
ay makakayang sumunod sa iyong magandang pag-gabay
Para akong arina
sa kamay 🤚 ng ekspertong tagamasa..
Parang mantikilya sa iyong mainit na kutsilyo 🔪..
Parang simoy 🌫 na sumabay sa saliw ng iyong pag-ihip 🌬.
Ako ay isang blangkong 📜 lona 
at ikaw ang dakilang pintor 🎨.
Salamat Thera 💆‍♂,
pinunan mo kahit pansamantala
and pangungulila ng aking kaluluwa 👻...


(2/25/2020)

1 comment: